Saturday, November 29, 2008

Balbas

Sa mga hindi nakakakita sa akin nang matagal na, hindi pa ako nag-aahit, mga magtatatlong linggo na.As in hindi lang balbas, pati bigote at sideburns. Intentionally untidy ang mukha ko. Tuloy, ang mga tanong ng mga kaibigan, estudyante, at katrabaho.

***
Co-Faculty1: Sir, bakit naman ganyan ang hitsura mo?
Zaldy: Bakit?
Co-Faculty1: Ang pangit kasi pag ang haba ng balbas mo.
Zaldy: Lalo naman siguro ikaw, pag may balbas...
Co-Faculty1&2: hahaha!

***
Student1: Hi sir! May klase ka?
Zaldy: Wala pa.
Student 2: Ano'ng oras?
Zaldy: 2:30 pa nga eh, kakainip.
Student 2: Ahh...
Student1: Ano ba yan sir, ang amos mo na!
Zaldy: Ha? Amos ka dyan, hindi naman ako kumain.
Student2: Hindi yun, mag-ahit ka na kasi.
Zaldy: Pengeng pambili ng pang-ahit.
Student1: Nge!
Zaldy: Wala ka pala eh...
Student1: Pa-beso na lang.
Zaldy: Ha?
Student1: Sige na!
(rolls eyes and concedes)

***

(Sa bilihan ng banana que)

Teenage Friend(TF): Hi sir!
Zaldy: Hello girl.
TF: Kumusta naman yang banana que mo sir?
Zaldy: Drop that "sir", kilala mo na kaya ako noon pa bago ako maging prof.
TF: Hmp, ok.
Zaldy: Yan.
TF: Bakit naman ganyan ang mukha mo?
Zaldy: Bakit, may dumi?
TF: Maduming tingnan!
Zaldy: How?
TF: Ayan o! (holds zaldy's face, pulls him near a little) Ang gaspang na kaya. Mag-ahit ka na kasi...
Zaldy: (reflexively holds her waist, then checks himself) Yes, yes, I'd get to that some other time.
TF: Promise?
Zaldy: Promise. Oh ayan na yung tita mo, sumabay ka na (removes her hands)
TF: Ok! bye!
Zaldy: Bye.

***

Zaldy: Hoy babaeng lupa! May sayaw ba kayo?
Girl: Oo sir, sa 3. Nuod ka ha! Di ka nanuod nung sa convention center, dapat doon manuod ka.
Zaldy: Saan ba? A que hora?
Girl: Ha? sa Enverga gym. Hapon daw eh. Wag mo nga akong gamitan ng spanish.
Zaldy: Hayaan mo na, mukha ka namang Española.
Girl: Bakit ganyan hitsura mo?
Zaldy: Ha?
Girl: Mag-ahit ka na kaya...
Zaldy: Wala ngang pambili ng pang-ahit.
Girl: Magkano ba yun?
Zaldy: Php260. Yung Gilette Mach 3.
Girl: Sosyal! Hahaha
Zaldy: hahaha. Mag-aahit ako sa bertdey ko.
Girl: Kailan naman yun?
Zaldy: Sa May, hahaha
Girl: Hindi nga?
Zaldy: Sa December.
Girl: Talaga? Lapit na ah, anong date?
Zaldy: Basta mga 3 weeks from now.
Girl: SIge tingnan ko sa friendster.
Zaldy: Bye. May klase na ako.
Girl: Bye sir!

***

Mabuti na lang at hindi pa ako namememohan ng admin namin dahil sa hitsura ko. Hell, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit balasarado ako ah!

No comments: