Tinatamad talaga akong pumasok kanina. At dahil nga alam kong wala namang saysay ang araw na to sa trabaho ko, nagpasya akong magpadala sa peer pressure nina Boris at Johann kagabi na "magpaantok." Euphemism lang namin yun sa pag-inom ng beer, bale naka-isang mucho kaming tatlo tapos tig-iisang San Mig Light na room temperature. Walang pulutan.
***
Alas siete ang kaisa-isang subject ko kanina. Rizal. Pag-akyat ko sa classroom, walang tao dahil naka-lock ang pinto. Kaya ayun, tumambay muna ako sa library na ilang talampakan lamang ang layo sa room na assigned sa akin. 5, 10, 15, 30mins, 1 hour. Pabalik-balik ako sa room na yon. Wala pa ring tao at hindi bukas ang room. Nang sumapit ang 8:30, bumaba na ako sa faculty room dahil tapos na ang klase ko doon. Eksaktong dating naman ng coordinator ng course na tinuturuan ko, bakit daw wala ako sa classroom. Sinabi ko ang dahilan at ang ginawa ko tungkol doon. Dapat daw kumuha ako ng susi sa guard, eh ano ba namang malay ko doon? Wala rin naman akong pagtatanungan na co-faculty dahil maaga pang masyado at wala rin namang nag-suggest.
***
Dumating naman ang coordinator ko at hinahanap ako, bakit daw wala ako doon sa room kaninang klase ko. Siyempre inulit ko lang yung kinwento ko kanina. Nasisi pa ako kasi 7:00 daw ang klase ko tapos before 7:10 daw ako pumasok dun sa room. Eh hindi nga kasi ako pwedeng pumasok dahil SARADO. Apat hanggang limang beses akong pabalik-balik sa room na yun pero sarado. Kung bakit naman kasi hindi pa nila pinabubuksan eh alam nilang may klase na. At alam ng lahat ng tao sa eskwelahan na first day pa lang kaya wala pang masyadong magpapapasok, orientation pa lang sa klase. Ako pa ang nasisi sa sablay na sistema. Give me a BREAK.
***
Ang galing ng buena-mano ko ngayong semestre, at may pakiwari akong hindi ito ang huli, na masusundan at masusundan pa ito
Sunday, November 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment