****
TOUGH LOVE
~ If something is painful, it doesn’t mean that it’s wrong. Masakit ang injection sa rabies. Kung mapait ang gamot, hindi nito ikinakaila ang bisa. Hindi nagiging tama ang mga kaawa-awa. Kadalasan, pag may masakit, may mali sa nakakaramdam nito.
~ Feelings don’t matter as long as something enabled you to be aware. It’s a actually a cheap price for consciousness. Feelings only matter as long as it drives us to do what is right.
~ Kaya tayo binigyan ng isip para mag-isip, ng pakiramdam para makiramdam, ng kakayanang magpasya upang malaman ang tama at mali. Sa mga nasasapak ko ng mga katotohanang ito, hindi ko ipapagpaumanhin ang mga nabulabog kong konsensya.
~ I don’t do things for the mere enjoyment of those around me. Eh di sana nagpaka-standup comedian na lang ako o nag-aral ako ng pagiging payaso.
~Risk enables us to survive. If you trust, there’s the risk of betrayal. If you care, there’s the risk of being taken for granted. Hindi ibig sabihin nito na iiwas ka na. Without taking these risks, would we ever live truly as humans?
~ Perseverance doesn’t equal worthiness. But it could be the prerequisite.
~ I should try to teach lessons, not students. (addendum?)
~ Do not scrutinize wisdom in academic debates and intellectual masturbation, it will lose its purity. Wisdom is like seeing clearly and doing accordingly.
~ Unconditional Love is bullshit. There’s always an exchange, equal or not. Ipokrita (o tanga) ka kung hindi ka umaasa ng kapalit sa anumang paraan o anyo.
~ Hindi madaling maniwala sa tama, gaano man kadali sa tingin ng ibang tao. At higit na mas mahirap manindigan dito. May naiitsa-puera, nasisirang pagkakaibigan, nabubulabog na katahimikan, naba-blacklist sa kumpanya, nasisisante, sinusunog sa harap ng madla, pinapatay sa Bagumbayan o kaya ay pinapako sa krus. Kung makakilala ka ng taong ganoon, nakapagaling mo kung hindi mo siya hihiwalayan.
~ Iba talaga ang mabait sa mabuti. May narinig ako noon na napakababait daw ng mga UST graduates dahil hindi sila nagrereklamo sa trabaho. Anak ng tinapang gubat, NAKAKAHIYA!
~ Hindi dahil mahirap, imposible. Lalo na kung kailangan itong gawin, talikuran mo man ang iyong sarili. Kung mahirap, pwede mo itong iwanan at piloting hindi pakinggan ang kulbit ng konsensya mo at panghihinayang. O pwede mo naman itong paghirapan at tahimik na matulog sa gabi.
~ Dumarating talaga ang pagkakataong magkakaroon lang ng saysay ang mga ginagawa mo, hindi ang sinasabi o iniisip lamang. Malay ba ng iba kung totoo yun, hindi ba?
~ Hindi ka pagtatakdaan o lilimitahan ng iba hangga’t hindi mo ito ginagawa sa iyong sarili. Kung may dapat mang sisihin sa pagkakagapos mo sa kung anuman, ikaw muna yon.
~ Kung papalpak sa mga ginagawa mo, siguraduhing solo ka lang sa hukay ng salimuot. Pwede ka naming humingi ng tulong sa kaibigan mo kapag nandoon ka na eh.
~ Ikaw ang una at huling makakaalam o makakadama kung gumagawa ka ng mabuti o niloloko mo lang ang sarili mo. Hubdan ang sarili sa katotohanan.
~ You cannot give what you do not have. So stop pretending, life is too short for it.
~ Kung may tama kang paninindigan, hindi na mahalaga ang lahat. Kung wala naman, wala nang halaga ang lahat. Magulo ano? Mas magulo kapag hindi mo ito mauunawaan.
~ What I give is tough love. Tough, hard-earned love. Kung babasahin mo ang personality type ko ayon kay Carl Jung (Individualistic Doer), baka medyo mahiwatigan mo pa. Pwede mong isiping pauso o imbento ko lang ito. Ngunit natutunan ko ito hindi lang sa paaralan, mga libro, mga kaibigan o guro kundi sa lipunang ginagalawan ko.
No comments:
Post a Comment