- San?
- Dun sa article, kung article mang matatawag yun.
- Column.
- Whatever. Ano ngang sabi?
- Tinira yung AB, nothing new except… her basis.
- Which is?
- Basta may hybrid siya ng assessment at estimation sa quality ng education ng Journ at CA. Alam mo kung san niya binase?
- San?
- Sa equipments at facilities pare.
- Oh? Labo. Tapos nag-jump kagad siya sa overall situation ng AB?
- Ganun na nga.
- Sick. Dapat hindi siya nag-generalize kaagad no?
- Oo nga. Hindi katulad mo, sinusuri talaga ang bawat bahagi ng issue para walang masagasaan, may pasintabi.
- Naks, binola mo pa ako ah. Gago. Tumagay ka nga muna.
- Eh akin na yan.
***
- Sino ba siya?
- Eh di taga-AB, malamang.
- Oo nga. Ang sinasabi ko eh kung kilala mo siya.
- Hindi eh. Never heard, never seen, just read. Ngayon din lang yata.
- Oh? Ano bang nagawa nya para sa AB?
- Malay.
- Gumawa na ba siya ng ibang ingay liban dun?
- Malay.
- Sumasali ba siya sa community work?
- Malay.
- Kahit ano’ng movement sa AB?
- Malay.
- Eh wala naman pala siyang malay sa AB eh.
- Yun na nga eh.
- Maganda ba yun?
- Tanong ba yan ng isang barako o ng isang bading?
- Hmm… Pareho dear…
- Sa tingin ko hindi eh.
- Uy, playing safe.
- Gago, tingnan mo kaya pic nya sa dyaryo.
- Naiihi ako. Samahan mo ‘ko, kailangan ko ng bird handler.
***
- Ang banas pare.
- Kanino ka nababanas?
- Ang “banas” sa probinsya namin ang ibig sabihin eh mainit.
- Ah… Malamang, summer ngayon eh.
- Alam ko.
- E ano yang nginangalngal mo jan?
- Bawal bang dumaing?
- Hindi naman.
- Paano kaya didinggin ang daing ng mga estudyante dun?
- Naks, metaphor ba yan?
- Ay siya nga ano? Haha, gawa tayong tula tungkol dun!
- Pakyu.
- “Ma’am, san po kayo nakakakuha ng mga metaphors nyo?”
- Sinong may banat nyan?
- Yung bago, binanat nya kay kuwan.
- Seryoso?
- Oo men, wasak talaga.
- Ano’ng sabi ni lola?
- “Campus journalism is a shot in the arm.” Haha!
- Wasak! Kanino mo nasagap yang tsismis na yan?
- Sikret. Bili ka muna ng pisbol kay manong.
***
- Pagdaing ba yung ginawa nya dun?
- Parang hindi eh. Parang papansin lang.
- Wag kang ganyan. DL daw yun ah.
- Sinabi nya yun sa columns nya?!
- Gago e di hindi naman. Usap-usapan lang, pero totoo yun.
- Ay tangina DL din kaya ako. Half of my stay in college DL ako. Tapos tatae ako sa gitna ng lobby, sasabihin ko “Performance Art!”, tapos wag na silang papalag kasi consistent DL ako.
- Haha! Para mo na ring sinabing humane leader si Makoy dahil topnotcher siya sa Bar noon.
- I rest my case!
- Rest ka muna, wala na tayong cheyser. Bili muna ako.
***
- Ano yang cheyser natin? Mukhang matabang, ang linaw ng laman ng pitsel o.
- Inumin mo na lang. Tsaka hindi naman to pangtanggal-uhaw eh, pangtanggal lasa.
- Pa’no to makakatanggal ng lasa kung matabang?
- Natikman mo na ba? Hindi pa nga di ba?
- Ano nga kasi yang tinimpla mo?
- Lemonade.
- Leche.
***
- May gulo daw nung pageant ah.
- Scam?
- Parang.
- Pinagtatalunan nila yun?
- Oo.
- Anak ng tinapang gubat. Pati ba naman yun? Yun ngang rationale ng pageant eh wala nang kwenta tapos yun pa ilalagay nila sa diskurso nila. Yun yung mga bagay na pinagtatalunan ng mga walang mapag-usapan. Ang dami-daming issue ngayon tapos yan ang pinag-tatalunan nila.
- Oo nga eh. Naturingang liberal arts.
- Artlet.
- Eh kung Philets kaya sila?
- Ganun pa rin yun. Iba kaya ang milieu, no point in comparison.
- Yun na nga eh. Dapat sensitive siya sa time and space. Iba noon, iba ngayon. Liban na lang kung may nilatag siyang grounds.
- Maglatag na kaya tayo dito sa labas, para pag lasing na tayo eh deretso tulog na.
- Ayokong lamukin. Tsaka takot ako sa palaka.
- Para namang kakainin ka ng palaka.
- Baka ihian ako, magkakulugo pa ako.
- Dapat nga may palaka para walang lamok.
- Palaka o lamok? Mamili ka.
- Tatagayin mo ba yan?
- Ang taas eh! Bawasan mo.
- Gribbit!
***
- Mehn may sasabihin ako sa ‘yo.
- Ano yun?
- Pare mahal na yata kita.
- Stop it pare, prove it na lang.
- Kiss?
- Ayoko, amoy alak ka.
***
- Ok rin naman yung point na magkumpara ng graduates noon kaysa ngayon eh, kaya lang not up to that extent.
- Iba nga kasi ang panahon, mas maraming distraction ngayon eh.
- Excuse ba yan?
- Hindi. Para kasing if you always refer to the oldies, to the past as being better, you’ll just feel miserable about your own time.
- Meaning?
- Halimbawa, yang pag-aaral ng kasaysayan. Sinabi ni Durkheim na may problema sa kombensyonal na approach sa pagtuturo nyan. Masyadong nago-glorify yung mga historical figures, so ang dating sa estudyante eh ang gagaling ng mga taong yun at sila eh hindi.
- Talaga?
- Something like that. Ang tanong kasi talaga eh kung ano ang magagawa mo bukod sa nagawa nila.
- Sabagay. Paano mo makikita yung “saysay” sa kasaysayan kung puro memorization? Kasi history’s a giant narrative di ba? Isang malaki at masalimuot na kuwento, hindi listahan ng petsa, lugar at mga personalidad.
- Korek! O higop ka muna nitong sabaw ng papaitan.
- Initin ko muna sandali, nagmamantika na eh.
- Ayos na yan, mamantika ka rin naman.
- Sabagay…
***
- Ano nga ulit ang ibig sabihin ng welt?
- “World” sa deutsch.
- Oo nga pala. Mahilig ka talaga sa Frankfurt school.
- Siguro.
- Sabi ng tito ko ayusin ko na daw sarili ko, kasi nasa “real” world na daw ako ngayong nakatapos na ‘ko. Labo…
- Ba’t nga kaya ganun ang karamihang mag-isip? Pag estudyante ka pa, wala ka pa sa “real” world. Eh hindi naman sila si Plato. Para naming maraming mundo ang kinalalagyan natin, iisa lang kaya.
- Oo nga eh.
- I mean, why the dichotomy? Kaya walang natututunang konkreto ang estudyante eh, kasi ayaw silang payagang makialam sa isyu sa labas ng pamantasan, sa mundo sa labas. Akala tuloy ng karamihan eh dun lang sila dapat manatili sa loob ng eskwela, na pagkagradweyt nila eh saka lang sila dapat makisali, na hindi rin naman nila magagawa kasi nga dapat na silang magtrabaho.
- O dahan-dahan, puso mo, tachycardia na yan.
- Eh kasi naman nakakainit ng ulo. Alam mo naming ganyan din pinoproblema natin noon eh.
- Pare tama na, lasing ka na.
- No I’m not drunk! I speak English when I’m drunk!
- Magsitigil ka!
***
- Ang galing no?
- Ng alin?
- School kasi ang isa sa mga pangunahing architect ng social stratification eh.
- Go on. Regale me.
- Kasi binibigyan tayo ng grades eh, yung mababa yung grade, sila yung bopols. Yung mataas yung grade, sila yung matatalino.
- Yung mga bakla eh—
- Magsitahimik ka. Tapos siyempre yung mga matataas ang grade, most probably sila yung magiging successful, yung hindi eh di hindi.
- The “suck” in success.
- Tapos siyempre yung successful eh yung mayayaman, tapos yung hindi eh di dukha.
- Eh di wag na lang dapat mag-aral ang mga tao.
- Ah hindi naman ganon. Pwede nating mabawasan yung gap sa stratification through education. Authentic education.
- Uy, Freire yan ah.
- Hehe...
- May nabasa akong libro.
- “A Different Kind of Love”?
- Gago. Hindi. Basta sabi dun na the school is one of the best venues for community organizing.
- Sabagay. Oo nga no. Maganda kung naka-tutok lahat o karamihan ng activities ng students sa immediate community kung nasan yung school nila. O kahit san mang extension community.
- Eh ang kaso, karamihan dun sa mga activities sa AB—
- Hep, walang bastusan ng pinanggalingan.
- Parang hindi ako taga-dun ah.
- Ok. You were saying…
- As I was saying, andami-daming org dun eh kalat-kalat. Marami nga, wala namang saysay, walang natutulungan, walang unity, kanya-kanyang focus. Iilan lang ang may ginagawang mabuti. Feckless pluralism—chopsuey na walang lasa.
- Puro pa kabadingan yung karamihan dun.
- Sexist!
- Eh ano naman?
- Hindi ko naman to ginusto a!
- Yan ang ayoko sa ‘yo…
***
- May sasabihin ako sa ‘yo. G-14 classified.
- Oh? Ano yun?
- Come closer.
- Oh?
- Kilala ko na talaga kung sinong bading sa tropa natin.
- Sino?
- Pa-kiss muna…
***
- Pababa na daw ng pababa ang kalidad ng edukasyon sa college natin.
- Lumang tugtugin na yan ah.
- May accreditation naman.
- A double-edged sword.
- Oo nga no, kasi… Kasi ano?
- Maa-upgrade nga status nyo, eh in the long run mabibigyan ang university ng right to increase tuition ng hindi napapakialaman ng CHED.
- Ganun?
- Ganun ang naririnig ko eh.
- Ang saklap naman.
- That leaves everybody with no choice.
- First choice mo ba course mo?
- Hindi.
- Second?
- Hindi.
- Third?
- Hindi rin.
- No choice ka rin?
- Lady’s choice.
- Corny mo ulol.
- Nauna ka.
- Ano ba ‘tong binabad mo sa lambanog? Parang fruit cocktail eh.
- Apat na prutas lang yan eh.
- Ano nga?
- Pasas, ponkan, mansanas at langka.
- Wow, dami ah. Kaya pala ang sarap inumin.
- Hindi tulad nyang lemonade mo.
- Ba’t ba ang bitter mo sa lemonade?
- Hindi bitter, maasim.
- Whatever. Bading ka.
***
- Nag-noise barrage daw sa unibersidad in support for Lozada ah.
- O? Ayos ah. Nakikisali na rin ang mga dominikano. Pero ganun pa rin, hipong tulog, pag talamak na, saka lang sila sasali.
- Pero may catch.
- Ano?
- Yellow Jackets yung nag-lead. Ayun, nagtatambol sila dun sa may España, parang gago.
- Haha! That defeats the point of the noise barrage.
- Malamang, may beat yung katatambol nila eh.
- Korni talaga.
- Bias talaga, unhealthy bias. Bakit nung nag-candle lighting kayo sa España eh kino-condemn kayo ng admin?
- Eh ganun talaga, Nestle eh, sponsor sa cheerdance competition kung san laging champion yung iskul nyo.
- Natin.
- Oo na.
- Wala naman kaming ginawang pananakit.
- Dapat talaga sinunod na lang ng mga pari yung sinabi ng Political Dynamics prof nyo, sana naglagay na lang rin sila ng mga pro-Nestle posters.
- Eh Katoliko nga kasi.
- Sarado-Katoliko.
- Haha, Katoliko na nga, sarado pa!
- Di ba “universal” ang ibig sabihin ng Catholic?
- Yata, and the term doesn’t live up to that meaning these days.
- Sinabi mo pa.
- May diyos nga kaya?
- Ewan. Itanong mo sa kin, dali.
- Ha?
- Nevermind. Magtayo kaya tayo ng bagong relihiyon? Konti lang ang capital, hundredfold pa ang profits!
- Oo nga no? We’ll gonna change the world with it!
- You can’t change the world, mofo.
- And you ain’t gonna tell me what I can’t do, niggah.
- You can’t make it.
- I can! I can…
- Ano?
- I can make the run or stumble/I can make the final block/And I can make every tackle at the sound of the whistle/I can make all the stadiums rock.
- Tagay na tol, para ka nang tanga eh.
- Sandaleh!
***
- Oo nga. Tapos tutulungan mo akong mang-chics ng mga menor de edad no?
- Ulol.
- Ah hindi tama yan, ang lagay eh ikaw lang ang makikinabang?
- “…”
- But it’s your bread and butter man!
- Alin?
- Corrupting the young.
- Magtigil ka nga. So what if I happen to like young girls lately?
- Paano na ako? Ang mga gabing pinagsamahan natin?
- Tawag ka lang ng laman ko eh.
- Bastos!
- Gago ka kasi eh.
- Pa’no yan eh wala ka pa namang M.A.?
- Oo nga eh, kaya nga malabo.
- Isa rin yun sa pinoint-out nya dun sa dyaryo ah. Yung sa accreditation.
- Ah oo. Mas preferred ng accreditors na may degrees yung mga teaching staff kaysa dun sa mga practitioners talaga.
- Samantalang yung ibang mga may degrees nga, kahit pa Ph.D.—
- Puro Hangin ang Dating?
- Oo, ganun na nga. Hindi naman magaling magturo, sa pangalan lang may ibubuga. Buti pa yung mga practitioners kahit laging late dumating sa klase e sulit namang may matututunan ka, they know the real deal.
- Nagtataka nga ako kung anong dissertation nung ibang prof na may Ph.D. tapos bobo magturo eh. Napapublish kaya sila?
- Haha. Sana hindi.
- I mean for example, san ka magtitiwala sa subject na may kinalaman sa pagsulat, dun sa may Ph.D. o dun sa napapublish talaga?
- Syempre dun sa nalalathala.
- Bingo. Di ba?
- Nailed it.
- Ano yun? Naaamoy mo ba?
- Alin?
- Amoy chemical eh.
- Ah, itong nail polish, walang takip. Gusto mo? Green ‘to.
- Gago ka ba?
- Sungit mo pala sa personal.
- “…”
- “…”
- May magenta ba? Pa-try nga.
- Teka’t titingnan ko…
***
- Uubusin ba talaga natin tong isang litro?
- Ba’t ngayon ka lang nagtatanong eh paubos na?
- Wala lang. Tayp kong portion-in yung mga naka-babad eh.
- Wag na. Gagapang ka sa lakas ng amats nyan.
- A ganun?
- Oo.
- Sayang.
- Try mo yung isang piraso ng langka, kahit kagat lang.
- Sige, mamaya sundutin natin nitong istik ng pishbol.
- Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko/at dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo/ang pinagpala sa mundo/ang dyaryo at ang pulpito/lahat sila’y nagkasundo na ang tawag sa ganito ay bahay.
- Ayan nanganganta ka na naman. Hayaan mo at matatapos na tayo.
- Drunken words are sober thoughts eh.
- Op kors!
No comments:
Post a Comment