Transcribe....
Isang araw, sa klase ng FIL2, may dalawang bored na estudyante ang nagpalipas ng oras.Nagpalitan ng mga saloobin, repleksyon, at iba't ibang reyalisasyon sa pamamagitan ng mga walang kapararakang tula. Isinulat ito sa piraso ng papel.
Oras: Sa pagitan ng 8-9:00pm
Lugar: Rm 105. St Raymund's Bldg. Faculty of Arts and Letters.
Mga tauhan: Pattot, Zaldy, boses ng Propesor sa background
Sa papel...
Zaldy: Malinaw ang bolpen ko. Ayos ba? Mini-stop yan, fooohl...
Pattot: (gumuhit ng zigzag na linya) Malinaw din tong akin. Arbor lang yan, dawg...
Zaldy: Oo nga. Mas maayos yung iyo tuminta. Akin na lang yan...geit..
Pattot: Ayoko. #!*%$@
Zaldy: Eh $%#@^!& ka pala boy...burger...
Pattot: (nagdrowing ng hugis 'pitutuy')
Zaldy:
May bakla sa may talipapa.
Nanghiram ng sandok sa tindera.
Bungangera, bungangera, bungangera.
Alin sa tingin mo?Alin ang mas malubha?
Pattot:
Ang bakla ay nakatulog sa talipapa.
Nagising sa kandungan ng isa pang bakla.
Nalito. Nagtinginan. Ngumanga.
"Pabili ng itlog na pula"
Zaldy:
Ang itlog na binili ay namumula.
May nilagay, sibuyas na nangangamatis,tadtad.
Kinamatis na iniulam sa malaswang tinapa.
Pattot:
Ang tahong ay nagpapahinga,nakalapat sa buhangin at nakatingala.
May alon na naligaw, humihiyaw.
Tinangay ang tahong na nauuhaw.
Sa dagat ay nauntog, nakabanggaang pusit.
Gumiling si pusit.
Na-arouse na!"Feel the heat"
Zaldy:
Dumaan na si Calamares,galing daw sa Marivelez.
Niyakap ng galamay ang tahong na kumerengkeng habang bumubulong.
Dinuduyan ng sunday ng along naging
saksi sa pagpasok sa kabibe ng saging
na dila ng malagkit na pusit.
Di mapigilan ang pagpuslit
ng kalandiang may kaalatan
sa gitna ng karagatan.
Kiskis, pawis, kiskis, pawis.
Pattot:
Kulang-kulang dalawang minuto
na ang nakaraan nang siya'y kumagat.
Ngayon ako'y nagaabang ng masasakyan.
Mausok. Maganda siguro kung haluan
ko pa ng usok ang usok nila.
Dalawang pilak, kapalit ay ginto.
Lugi ka pa?Babasain ang labi, kukurap.
Yan ang nagsilbing libangan.
Walapa ring humihinto.
Abang!Kasabay ng pagkalam ang aking
pagdighay. Nakakalito. Gutom
ako pero nakukuhang dumighay.
Ngunit, nagisip ako... Nagtanong.
"Busog lang ba ang may karapatang dumighay?"
At iyon na nga ang nangyari. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nagdismiss na ang Propesor. Naging matagumpay ang dalawang damuho sa kanilang palipas oras. Nagkatotoo ang huling tula ni Pattot.
Thursday, August 2, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment