Wednesday, November 14, 2007

Pushy?

Ito ang unang entry ko na maramdamin... er... basta nababanas ako.

May nakausap ako kanina, at inaabangan ko na ang pagpupuyos nya sa internet habang nag-uusap kami...

...pero hindi yun nangyari. Bakit ko ba inaabangan? Kasi may nakapagsabi sa akin na dapat ko nga daw abangan. At sinabi rin niya sa akin na dahil daw masyado akong PUSHY. Well, well, matingnan nga muna ang depinisyon ng katagang ito bago ako magpatuloy. Ayan:

PUSHY: Disagreeably aggressive or forward.

Now, now...

Tatawagin ko muna sila dito bilang K1 at K2.

Nag-uusap kasi kami ni K1 sa kanyang blog, tungkol sa isang sinulat ko. Sabi niya kanina, hindi yung mismong sinulat kong prosa ang kinagagalit niya, kundi yung sinabi ko sa blog nya bilang komento. Ngayon, ang nangyari sa aking palagay ay ganire: nauna/nagkasabay ang inis sa pagtingin, tuloy nagalit si K1. Karaniwan na sa mga kababaihan ang ganito (hep, hindi ako seksista, mga ulol.), kaya nga mas kakaunting babae ang nagiging matagumpay sa hard fields tulad ng medisina, arkitektura, inhinyera at kung anu-ano pang nangangailangan ng matinding konsentrasyon at neutral na pagtingin. Bakit? Kasi nga ay nauunang padaanin ang obserbasyon sa damdamin bago sa isip. Ito sa tingin ko ang problema, at hindi ko rin sinasabing mas matalino ang mga lalaki.

Knowing this, ok na sa akin eh.

Pero kung tatapatin kita, mambabasa, medyo kinabahan ako ng kaunti sa sinabi ni K2 na nakausap ko bago si K1 kanina. Sa pagkakasabi kasi niya, tila yata napakagrabe ng nagawa ko samantalang ito lang naman ang ginawa ko: sagutin at panindigan ang mga sinagot ko sa mga tanong sa blog ni K1. At iyon na nga, masyado daw akong PUSHY.

Natatawa akong naaasar, dahil base sa depinisyong nasa itaas (na halos ganoon din naman kung hahanapin mo sa iba't ibang diskyunaryo), hindi ako naging ganoon sa pagkakataong ito. Ang ginawa ko lang naman ay nanindigan sa mga sinabi ko, at ipaliwanag ang mga ito base na rin sa mga naisip ko nang gabing iyon. Sa pagkakataong ito, hindi ko na suliranin kung hindi maunawaan (sa kung anumang nararapat o di karapat-dapat na dahilan) ng ibang tao ang aking sinasabi. Nariyan ang internet upang makatulong at siyempre, ang isip ng mambabasa. At ang nakakabanas pa ay sinabi niya na hindi ko raw kasi pinakikinggan muna si K1. ha? Ano raw?

O ako ba ang hindi napakinggan, sa kabila ng pagpapaliwanag ko? Sino ang naagrabyado dito? Ang masakit pa dito ay posibleng matapos mga araw na ito na para bang walang nangyari, na ako ang ginawang punching bag, pagkatapos bulabugin at bigwasan ay iiwanan na lang na lalambi-lambitin.

Pero hindi ko naman mina-masama ng ganoon. Naaayos na naman ang sigalot, lamang ay may mga naiwang nakabitin. Yun bang nakakasakit. Hindi rin ako galit, nainis lang.

(rolls eyes)

Ikaw naman, mambabasa.

No comments: